Pages

Monday, December 29, 2014

Senti Lunes


Minsan gusto kong magtanong,
minsan may pagdududa.

Meron bang dapat panghawakan?
May karapatan bang umasa?

Sa mundong madaming walang katiyakan
Sa mga kaganapan, walang kasiguraduhan.

Di ako sanay lumaban sa giyerang di sa akin nakalaan.
Di rin ako marunong sumuko hangga't mayroong dahilan akong ipaglalaban.

Nasabi ko sayo noon, di ako magtatanong
Sabihin lamang ang mga salita, ako'y kusang mawawala.

Ang tangi ko lang alam, puso ko sayo ay nilaan.
Ang paghulog ay hindi ko inaasahan.

Madami akong mga pagaalinlangan.
Madaming tanong na walang kasagutan.

Marahil panahon lang ang makakapagsabi.
O di kaya'y ang lahat ay pawang guni-guni.

Ngunit madalas ako'y naiinip malaman ang kahihinatnan.
Ito ba'y drama, katatawanan kwento ng pagiibigan?
Mga tanong na tanging panahon lang ang may kasagutan.


:(
prettytwistedchick

No comments:

Post a Comment